Manila, Philippines – Upang tulungang bumangon uumpisahan na ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa susunod na linggo ang libreng technical-vocational skills training sa mga bakwit ng Marawi City.
Ayon kay TESDA Deputy Dir. Alvin Feliciano – kabilang sa mga maaaring matutunan ng mga bakwit ang massage therapy, beauty care servicing, handicraft, bread and pastry, at cookery.
Ayon kay Feliciano – mayroon isang daang pisong allowance ang mga ito bawat araw.
Tatagal ng labing limang araw hanggang dalawang buwan ang training, depende sa technical-vocational skills na pipiliin.
Bukod sa pakikipag-ugnayan sa DTI at DOLE bibigyan din ng starting tools ang mga ‘bakwit’ upang agad na makadiskarte ng hanapbuhay pagkatapos ng training.
Sa ngayon ay umabot na sa 2,500 bakwit ang nagpalista sa skills training scholarship ng TESDA kung saan target nila ang walong libong bakwit mula sa Iligan, Cagayan de Oro at Lanao del Sur.