Magbibigay ng libreng transport service ang lokal na pamahalaan ng Taguig para sa mga constituents na may sakit.
Sa programang “Libreng Hatid at Sundo” ay libreng maibabyahe papunta at pauwi ang mga residenteng nangangailangang magpa-check-up o sumailalim sa medical procedure sa mga ospital sa Taguig at sa ibang lungsod sa Metro Manila.
Partikular na makaka-avail ng serbisyo ang mga pasyenteng nagda-dialysis, may chemotherapy o radiotherapy sessions, lalo na ang mga senior citizens, buntis at PWD na kailangang sumailalim sa check-up at iba pang medical treatment na hindi emergency case.
Ang inisyatibo na ito ay bilang tugon sa pangangailangang transportasyon ng mga maysakit sa lungsod na walang masakyan dahil sa kakulangan ng public transportation.
Sa mga gustong kumuha ng free transport service ay maaaring magtext sa numerong 0961-734-0834 dalawang araw bago ang nakatakdang checkup o medical sessions.