Libreng trasnportasyon ng relief goods, isinulong sa Kamara

Isinulong ni House Deputy Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar na maging libre ang “freight services” o paghahatid ng relief goods sa mga lugar na tinamaan ng iba pang kalamidad, at nasa ilalim ng “state of calamity.”

Nakapaloob ito sa inihain ni Congresswoman Villar na House Bill 9345 o panukalang Free Transportation of Relief Goods Act.

Base sa panukala ni Villar, tutukuyin ng Office of the Civil Defense, National Disaster Risk Reduction and Management Council, at Department of Transportation, katuwang ang Philippine Postal Corporation at iba pang kompanya o forwarder, common carrier, ang mga relief organization na magpapadala ng relief goods at iba pang donasyon na hindi na sila sisingilin sa transportasyon.


Diin ni Villar, ang kanyang panukala ay malaking tulong sa pamahalaan at pribadong sektor sa paghahatid ng anumang tulong sa mga biktima ng kalamidad tulad ng bagyo, baha, lindol, at pagsabog ng bulkan.

Facebook Comments