Libreng Wi-Fi sa Edsa, inilunsad na ngayong araw

Manila, Philippines – Inilunsad ngayong araw ng dalawang higanteng Telecommunication Companies sa bansa: Globe Telecom at Phil. Long Distance Telephone (PLDT) company ang libreng Wi-Fi internet service sa Edsa.

Ito’y kasabay ng ika-119 na araw ng kalayaan.

Ayon sa dalawang TELCOS, magagamit ang kanilang internet service sa buong 24-kilometrong kahabaan ng Edsa.


Magagamit ang free Wi-Fi sa loob ng unang 30-minuto at pagkatapos nito ay aabisuhan nila ang kanilang mga subscribers na babayaran na ang susunod na gagamiting data.

Matatandaang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroong ng mas maayos na internet sa mga pampublikong lugar sa bansa.
DZXL558

Facebook Comments