Manila, Philippines – Mabilis at libreng Wi-Fi connectionsa higit 13,000 pampublikong lugar sa bansa ang target maisakatuparan ng Departmentof Information and Communications Technology o DICT bago matapos ang taong2018.
Ayon kay DICT Undersecretary Denis Villorente – bahagiito ng national broadband plan na layong mapalawak ang internet access ng mga Pilipino.
Sa ngayon – nagpapatuloy anya ang installation ng mga Wi-Fiinfrastructure sa mga pampublikong lugar.
Mula sa tatlong daang public location na may free Wi-Finoong 2016 – asahan itong madadagdagan sa Hulyo kung saan makakapag-internet nang libre sa tatlong libong matataong lugar sa ibat-ibang rehiyon sa bansa.
Kaugnay nito – nagpapatuloy naman ang paglalatag ng mgaamyenda sa Republic Act 7925 o ang public telecommunications policy act of 1995para makahikayat ng pribadong sektor na susuporta sa national broadband plan.
Libreng Wi-Fi sa mahigit 13,000 pampublikong lugar sa bansa – target na matapos ngayong 2018
Facebook Comments