Libreng wifi, napapakinabangan na sa Don Antonio at sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City

Inilunsad  kanina ng Quezon City LGU at ng isang pribadong kumpanya ang libreng wifi connection sa Don Antonio at kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ayon kay Leo San Miguel ng Airlight Technology Solutions,30 minutes na libre ang koneksyon para tulungan ang mga residente at mga motorista na malapit sa lugar.

Layon nitong makatulong sa mga residenteng mahihirap na gustong magnegosyo sa pamamagitan ng social media pero walang pambili ng load o data.


Mismong ang United Nations Human Rights  Commission ang nagsabing ang internet ay bahagi ng ng basic services ng isang indibidwal gaya ng pabahay at libreng edukasyon.

Plano ng local government na gawin itong citywide. Makakatulong  kasi ito para bawasan ang korapsyon na nangyayari kapag  mahaba ang  pila o personal transactions sa cityhall.

Sa internet kasi magagawa na ang transaksyon gaya ng pagkuha ng business permit at iba pang serbisyo.

Facebook Comments