Malaking tulong para sa mga mag-aaral sa bayan ng Lingayen ang libreng Wi-Fi na ipinwesto sa Municipal Public Library, lalo na sa mga walang sapat na internet access sa kanilang mga tahanan.
Ayon sa pamunuan ng aklatan, ginagamit ng mga estudyante ang naturang serbisyo para sa online research, paggawa ng mga proyekto, at pag-access sa mga digital learning materials.
Bukod sa mga mag-aaral, napapakinabangan din ito ng iba pang miyembro ng komunidad na nangangailangan ng internet para sa paghahanap ng impormasyon at iba’t ibang online na gawain.
Sa pamamagitan ng serbisyong ito, nagiging mas abot-kamay ang kaalaman at teknolohiya, at mas napapalakas ang kakayahan ng mga kabataan na makasabay sa mga pangangailangan ng modernong edukasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










