Umaabot na sa higit-kumulang 4,000 na mga pasahero ang stranded ngayon sa mga pier dito sa Kabikolan kaugnay trpical depression na si Usman kung saan nasa signal number 1 na ang mga lugar kung saan may pier dito sa kabikolan.
Dahil sa paparating na bagyo, pinagbawal na simula pa kahapon ang paglayag ng anumang uri ng sasakyang-pandagat sa mga daungan sa region 5. Ayon sa pahayag ng Coast Guard, pinagbabawal na ang paglayag dahil inaasahang mag-landfall na si Usman ngayong gabi sa Samar.
Inaasahang lalong hahaba ang pila ng mga na-stranded dahil dagsa ang mga bakasyunista mula sa kalakhang Maynila patungo sa kani-kanilang probinsya para idaos ang bagong taon.
Ayon pa sa report, umaabot na sa mahigit 200 ang stranded sa Pasacao Port – Camarines Sur, Bulan-Sorsogon, Pikar, Virac, San Andres, Pio Duran, Tabaco City, Matnog.
Sa kalagayan naman ng panahon, sinabi ng pag-asa na magpapatuloy ang masamang panahon sa Kabikolan hanggang bukas araw ng Sabado.
Libu-Libo Stranded sa mga Daungan sa Kabikolan Dulot ni Usman
Facebook Comments