Libu-libong Benepisyaryo ng CAMP2, TUPAD at AKAP, Tumanggap ng Tulong Pinansyal

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng simultaneous payout ang Department of Labor and Employment (DOLE) region 2 sa mga benepisyaryo ng CAMP 2, TUPAD at AKAP bilang bahagi ng paggunita sa 87th founding anniversary’ ng ahensya at isinagawa sa tatlong lugar sa Cagayan at Isabela at iba pang bahagi ng bansa.

Umabot naman sa higit 2,500 beneficiaries mula sa 14 na bayan at siyudad ang nakatanggap ng tulong pinansyal na umaabot sa halagang P22 million.

Ayon naman sa pahayag ni DOLE RO2 Regional Director Atty. Evelyn Ramos, bahagi ng aktibidad ng ahensya ang matulungan ang displaced at disadvantages workers lalo na ang mga nangangailangan sa panahon ngayon.


Bahagi ng programa ang starter kits para sa mga magulang ng batang manggagawa at dating miyembro ng rebelde mula sa Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Dagdag dito, naipagkaloob ang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) 2 sa higit 170 formal sector worker mula sa tatlong establisyimento sa Tuguegarao City kung saan tumanggap ang mga ito ng P5,000 one-time financial assistance.

Bukod dito, nakatanggap din ang sampung (10) Returning Overseas Filipinos (ROFs) mula sa Tuguegarao City na nagkakahalaga ng P10,000 bawat isa sa ilalim ng DOLE-AKAP (Abot Kamay ang Pag-asa) Program.

Facebook Comments