Libu-libong bikers-partners ng motorcycle taxis sa buong bansa, isinalang sa retraining

Tinatayang 27,000 bikers-partners ng isang motorcycle taxis ang handa ng umarangkada sa lahat ng lansangan sa buong bansa matapos silang sumalang sa re-training na ipinag-utos ng pamahalaan.

Alinsunod ito sa itinakdang direktiba at rekomendasyon  Technical Working Group o TWG na na binalangkas ng Department of Transportation o DOTr.

Ayon kay George Reyoca, ang pinuno ng regulatory and public affairs ng Angkas motorcycle taxis, sumasalang sa masusing riding skills assessments, written tests and extensive training ang mga naturang biker-partners upang matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay at mismong riders.


Nabatid kay Reyoca na  sa 100,000 aplikante, 70 porsiyento  ang hindi nila tinanggap matapos na hindi makatugon sa rekisito na itinatadhana ng DOTr.

Samantala, anumang araw ay aarangkada na sa mga lansangan ang 27,000 bikers na dito ay may mahigpit na patakaran gaya ng pagsusuot ng reflectorized vest na may side strap na kakapitan ng pasahero at nagtataglay ng unique ID.

Ayon naman kay David Medrana, ang pinuno ng operation ng Angkas, mayroon silang feedback mechanisms at app upang mahigpit na ma-monitor kung sumusunod sa panuntunan ang kanilang mga partner-bikers.

Bukod sa DOTr ang Technical Working Group (TWG) ay binubuo ng mga kinatawan mula sa LTFRB, Highway Patrol Group, MMDA, commuters groups, transport advocates at mga miyembro ng academe.

Facebook Comments