Patuloy ang pagdagsa ng libu-libong mga deboto sa Baclaran Church ngayong Ash Wednesday.
Kaugnay nito, hinihikayat ang mga deboto na magsuot pa rin ng facemask pagpasok sa mismong simbahan.
Ikinatuwa naman ng mga mananampalataya ang pagbabalik ng tradisyunal na pagpapahid ng abo sa noo na unang natigil dahil sa pandemya.
Ipinaalala naman ng simbahang Katoliko na ang Ash Wednesday ay ang simula ng 40 araw na Kwaresma.
Sa mga panahong ito aniya ay kailangan ang pagdarasal, pag-aayuno at pagkakawanggawa.
Facebook Comments