Umaabot na sa 5,000 inidibidwal ang nagpahayag nang kagustuhang umuwi sa kani-kanilang mga lalawigan sa ilalim ng “Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa” program.
Sa Laging handa public press briefing sinabi ni National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada na nuong nakaraang Biyernes lamang nag umpisa ang online application at patuloy parin ang mga aplikasyon ng mga kababayan natin na nais makauwi sa kanilang mga probinsya.
Sa ngayon ang Leyte, Camaries Sur, Zamboanga del Norte, Bukidnon, Lanao del Norte, Pangasinan at Quirino ang mga lalawigang handa nang tumanggap ng mga magsisipag balikan nilang mga residente.
Tiniyak ni Escalada na ang gobyerno ang bahala sa kanilang transportasyon at bibigyan din sila ng allowance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Samantalang ang mga Local Government Units (LGUs) na tutugon sa nasabing programa ay bibigyan din ng inisyatibo ng pamahalaan.
Sa mga nais umuwi sa kanilang probinsya mag apply online sa balik probinsya.ph.
Matatandaan nitong May 6, 2020 nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa” program kung saan layon nitong ma-decongest ang Metro Manila at palawakin, dalhin sa mga probinsya ang pagbibigay ng social services, paglikha ng maraming trabaho at negosyo at tiyakin na maitaas ang antas ng pamumuhay sa mga rural areas.