Libu-libong Katolikong Pinoy ang dumagsa sa mga simbahan kaninang madaling araw para sa ika-siyam at huling Simbang Gabi bago ang araw ng Pasko.
Sa St. Peter Parish sa Commonwealth Avenue, Quezon City ay napuno ng mga deboto hanggang labas ng simbahan para lang dumalo sa misa.
Karamihan sa mga nagsimba ay mga kabataan na masaya at lubos na nagpasalamat dahil natapos o nakumpleto nila ang tradisyunal na Simbang Gabi.
Ganito rin ang sitwasyon sa ibang simbahan sa bansa kung saan nagpasalamat ang ilan sa Panginoon sa biyayang ibinigay sa kanila sa kabila ng nararanasang kahirapan ngayon sa buhay.
May ilang nagtitinda naman ang sinamantala ang pagkakataon upang kumita tulad ng pagtitinda ng tradisyunal na puto bumbong at bibingka sa gilid ng simbahan.