PAL, unti-unti nang nagbubukas ng flight sa China matapos ang halos tatlong taong border restrictions doon

Kinumpirma ng Philippine Airlines na nagsisimula na silang magbukas ng flight sa China matapos ang halos tatlong taong COVID-related border restrictions doon.

Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, magbubukas sila ng flights patungong Xiamen simula sa January 13, 2023.

Mag-uumpisa aniya sila sa isang flight kada linggo o kada Biyernes.


Magde-deploy ang PAL ng Airbus A330 at A300 aircraft sa kanilang Xiamen route.

Inaasahan naman na sa mga susunod na buwan ay babalik na rin ng flights ng flag carrier sa iba pang ruta sa China tulad ng Beijing, Shanghai, Guangzhou, at Quanzhou (Jinjiang).

Facebook Comments