Mahigit 20,000 mga magsasaka sa probinsiya ng Maguidanao ang nakatakdang makunan ng agricultural production profile bilang bahagi ng pagtataguyod ng proyekto ng Autonomous Region in Muslim Mindanao-Health, Education, Livelihood, Peace and Governance, Synergy o ARMM-HELPS.
Ang grupong gagawa ng profiling activities ay may bilang na 212 kung saan 34 ay Municipal Agricultural Officer (MAO), 73 ay Agricultural Technologists (ATs), at ang 105 naman ay Local Farmer Technicians (LFTs).
Inanunsiyo ni DAF-ARMM ARMM-HELPS Focal Person Susan Unggel ang mga matatanggap ng mga magsasaka sa 79 na barangay sa ilalim ng proyekto.
Kabilang na rito ang pamamahagi ng mga baka, kalabaw, at mga makinarya.
Ang komprehensibo at pinagsama-samang ulat ng mga barangay at farmer profiles ay nakatakdang isumite ngayong a-10 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.
Libu-libong magsasaka sa Maguindanao, isasailalim sa profiling ng ARMM-HELPS!
Facebook Comments