Libu-libong mamamayan ng Myanmar, nag-rally sa kabila ng internet blackout

Libu-libong katao mula sa iba’t ibang siyudad sa Myanmar ang nagsagawa ng kilos-protesta para kondenahin ang nangyaring kudeta at ihirit ang pagpapalaya sa kanilang lider na si Aung San Suu Kyi.

Ang hakbang na ito ay sa kabila ng national-scale internet blackout sa nasabing bansa.

Nag-martsa ang mga ralisyista sa Yangon hawak ang mga watawat ng National League for Democracy na partido ni Suu Kyi.


Maliban sa Yangon, libu-libo rin ang nagprotesta sa Mandalay at Naypyiday.

Matatandaang hindi kinilala ng militar ang pagkapanalo ng partido ni Suu Kyi sa naging halalan noong November 8 dahil sa umano’y malawakang dayaan.

Facebook Comments