Libu-libong mga pasahero, dagsa sa mga pantalan sa buong bansa

35

Umabot na sa mahigit 50,000 inbound at outbound passengers ang dumadagsa ngayon sa mga pantalan sa buong bansa.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), pinakamarami sa mga pasaherong dumadagsa sa mga pantalan ay patungo sa mga lalawigan.

Nagpapatupad naman ng mahigpit na inspeksyon ang frontline personnel ng PCG mula sa 15 Distrito sa buong bansa.


Nagpaalala naman ang PCG sa publiko na tiyaking dala nila sa biyahe ang requirements na hinihingi ng Local Government Units sa kanilang pupuntahang lugar.

Facebook Comments