Mga lugar na naka-granular lockdown sa NCR, nadagdagan ayon sa PNP

46

Umabot na ngayon sa 5 ang mga lugar na isinailalim sa granular lockdown sa Metro Manila matapos na madagdagan ito ng dalawa.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), mula sa bilang na 3 kahapon, 5 na ngayon ang mga lugar na naka-granular lockdown sa NCR.

Lahat ng mga ito, nasa Maynila kung saan pawang mga bahay ang apektado ng lockdown.


Tiniyak ng PNP na patuloy silang nakabantay sa lockdown areas.

Katuwang naman nila rito ang mga kawani ng barangay.

Facebook Comments