Sandamakmak na uod-dagat na tinawag na “penis fish” dahil sa hugis at kulay nito ang lumitaw sa California matapos ang matinding winter storm.
Nabalot ng libu-libong “fat innkeeper worms” ang Drakes Beach sa San Francisco noong nakaraang linggo.
May habang hanggang 10 pulgada ang naturang uod na kilala sa paggawa ng hukay sa mga tabing-dagat at bana para humuli ng makakain.
Ayon sa biologist na si Ivan Parr, nasira ng matinding pag-ulan ang tirahan ng mga uod.
“We’re seeing the risk of building your home out of sand. Strong storms are perfectly capable of laying siege to the intertidal zone, breaking apart the sediments, and leaving their contents stranded on shore,” paliwanag ni Parr.
Karaniwang matatagpuan ang mga ito sa California, ngunit sikat din itong pagkain at aphrodisiac sa South Korea.
Sinaunang hayop pa ang mga fat innkeeper worm at base sa fossil evidence, 300 milyong taon na nang umiral ang mga ito.
Nagsisilbi ang mga ito na pagkain ng mga oter, pating, pagi, at ng mga tao.