Cauayan City, Isabela- Inihahanda na ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamimigay ng emergency assistance para sa mga nasalanta ng nagdaang Bagyong Rosita noong taong 2018.
Ito ay kasabay ng inilunsad na National Disaster Resilience Month sa buong bansa.
Batay sa facebook live post, sinabi ni City Mayor Joseph Tan na mayroong kabuuang 4,337 na household sa buong siyudad ang tatanggap ng tulong na P30,000 para sa totally damaged at P10,000 para naman sa partially damaged ng manalasa ang bagyo.
Bukod dito, inihayag din ng opisyal ang ilan pang program ana kanilang inilunsad gaya ng pagbabawal sa paggamit ng styro at plastic sa ilalim pa rin ng ‘Pulot Plastic Campaign, Bayanihan Stories’, pagpapalakas ng Barangay Information System,Recovery Feeding sa gitna ng pandemya at Tanod COVID SMS based reporting.
Samantala, tatanggap din ang 37 sari-sari store owners na napili ng Department of Trade and Industry (DTI) ng P8,000 worth of goods habang P8,000 worth of equipmement para sa mga salon and barbershop.
Tiniyak naman ng alkalde na magtutuloy-tuloy pa rin ang iaabot na tulong sa mga apektadong Santiagueño para muling makabangon sa harap ng pandemya.