LICENSURE EXAMINATION PARA SA MASTER PLUMBERS, INANUNSYO NA NG PRC-1

Inanunsyo na ng Professional Regulation Commission (PRC) – Regional Office I ang pagsasagawa ng Licensure Examination para sa Master Plumbers sa darating na Hulyo 15 at 16, 2023.
Ayon sa ahensiya, ang Rehiyon Uno ay mayroong dalawang daan dalawang (202) examinees na kukuha ng kanilang pagsusulit sa Carmay Elementary School sa bayan ng Rosales.
Paalala ng ahensya sa mga examinees na dalhin ang kanilang Notice of Admission (NOA), mga lapis (No. 2), ball pens (itim na tinta lamang), 1 pirasong mahabang brown na envelope, 1 pirasong mahabang transparent na plastic envelope, duly accomplished health forms, vaccination card, meryenda, naka-pack na tanghalian, at tubig.

Dagdag pa rito , mahigpit na pinapayuhan ang mga examinees na basahin ang espesyal na pagtuturo at advisory sa kanilang NOA, bisitahin at tingnan ang kanilang Room Assignment sa opisyal na website ng PRC, www.prc.gov.ph nang hindi bababa sa 3-5 araw bago ang nakatakdang pagsusuri at i-download ang Examination. Programa at ang PRC-DOH-DILG-PNP Joint Administrative Order No. 01 Series of 2022 o ang Revised Guidelines on the Observance of Protocols for Minimum Public Health Standards and Institutionalization of Healthy Settings in the Conduct of Licensure Examinations during State of Public Health Emergency , para sa kanilang sanggunian at gabay.
Para sa karagdagang katanungan, maaari makipag-ugnayan sa ro1.examination@prc.gov.ph. |ifmnews
Facebook Comments