Licensure Examinations ngayong Marso at Abril sa PRC, kinansela muna

Inanunsyo ng Professional Regulation Commission o PRC na kanselado ang nakatakdang 2020 Licensure Examinations ngayong Marso at Abril.

Ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 922 na nagdedeklara ng State of Public Health Emergency sa buong bansa, dahil sa malawakang banta ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Nakasaad dito ang pagbabawal sa mga malalaking pagtitipon o mass gatherings.


Kaya naman ayon sa PRC, upang matiyak ang kaligtasan ng mga examinee at mga empleyado, nagpasya sila na hindi na muna isasagawa ang mga sumusunod na licensure examinations at assessments na:

  • Qualifying Assessment for Foreign Medical Professionals (March 14, 2020)
  • Physician Licensure Examination (March 15-16, 2020)
  • Medical Technologists Licensure Examination (March 18-19, 2020)
  • Licensure Examination for Professional Teachers (March 29, 2020)
  • Licensure Examination for Electronic Engineers and Electronic Technicians (April 1-3, 2020)
  • Licensure Examination for Midwives (April 5-6, 2020)
  • Licensure Examination for Registered Electrical Engineers and Registered Master Electricians (April 14-16, 2020)
  • Licensure Examination for Pharmacists (April 26-27, 2020)

Tiniyak naman ng PRC na i-aanunsyo nila ang bagong mga iskedyul ng mga apektadong licensure examinations kapag bumuti na ang sitwasyon at ipo-post nila ito sa kanilang Website maging sa kanilang mga opisyal na social media accounts.

Facebook Comments