BAYAMBANG, PANGASINAN – Nagbalik loob ang lider at tatlumput siyam na miyembro ng Underground Mass Organizations (UGMOs) sa bayan ng Bayambang Pangasinan ngayong araw, December 10, 2021.
Sinalubong ang mga ito ni PANGPPO Provincial Director Police Colonel Richmond Tadina sa Camp Gov Antonio U. Sison Pangasinan Police Provincial office bilang bahagi ng Oplan Panagsubli o Oplan Pagbabalik Loob ng National task force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC).
Ayon kay PANGGPO Provincial Director Police Colonel Richmond Tadina, ang mga ito ay tagasuporta ng Ulopan na Umbaley ed Camp Gregg Military Reservation-Kilusang Magbubukid ng Pangasinan.
Sinabi ni Tadina, tumitiwalag na ang mga ito sapagkat wala nang nanakot sa kanila o wala nang nagrerecruit.
Binigyan diin ni Tadina na naging epektibo ang mga programa ng NTF-ELCAC dahil maraming bayan sa lalawigan ang binawi ang kanilang suporta sa Communist Terrorist Groups (CTGs).
Ayon kay alyas “Jennie” dating miyembro ng UGMOs, taong 2016 nang sumama ang mga ito sa makakaliwa dahil pinangakuan silang mabibigyan ng lupa ngunit dahil ilang tao na ang nakakalipas wala silang napala at nagpasyang magbalik loob na sa gobyerno.
Tumanggap ang mga ito ng 500 assorted vegetable seedlings, sprayer, free range chicken at financial assistance.
Bukod dito nakatakdang magsagawa ang provincial government ng water search and rescue training at basic life support training para sa mga ito sa susunod na araw upang opisyal na maging rescuer.
Naglatag naman ng security measures ang PNP katuwang ang AFP para sa seguridad ng mga nagbalik loob. | ifmdagupan