Arestado ang lider at tatlong miyembro ng criminal gangs sa magkakahiwalay na operasyon ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Nueva Vizcaya, Pangasinan, Cebu City, at Siquijor noong August 12, 2020.
Ang mga nadakip ay kinilalang sina Randy Ramilloza na naaresto sa Brgy. Aliaga, Bambang, Nueva Vizcaya dahil sa kasong Estafa at sinasabing lider ng “Randy Ramilloza CG” na sangkot sa iligal na pagbebenta ng sasakyan sa Nueva Vizcaya at mga kalapit probinsya sa Region 2.
Naaresto rin ang isang Ariel Agustin sa Brgy. Pemienta, Umingan, Pangasinan dahil sa kasong Qualified Theft, Richard Velez na naaresto sa Brgy. Mabolo, Port Reclamation Area, Cebu City dahil sa kasong five (5) counts of Acts of Lasciviousness at Jaylord Arcamo na naaresto sa Brgy. Simacolong, Lazi, Siquijor na dinakip dahil sa kasong panggagahasa.
Ang tatlong ito ay mga miyembro ng iba’t ibang criminal gangs.