Lider Ng Indonesia, Vietnam At Japan, Nakausap Ni Pangulong Duterte Sa Ginaganap Na Asean Summit

24

LAOS, VIENTIANE – Bagamat nakansela ang pulong kay US President Barack Obama… naging abala pa rin ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdalo sa opening ceremony ng ASEAN Leaders Summit.Kabilang sa mga nakasama ng pangulo ang siyam lider sa Timog-Silangan Asya.Naging abala rin ang pangulo sa pagdalo sa tatlong bilateral meetings sa lider ng Indonesia, Vietnam at Japan na tulad ng amerika na kaalyado ng Pilipinas…Pinalakas pa ng Pilipinas at Japan ang relasyon sa larangan ng seguridad at ekonomiya.Agad na ipinarating ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang pagbati kay Pangulong Duterte bilang bagong pangulo ng Pilipinas.Pormal din nitong ipinarating ang kalungkutan sa insidente ng pagsabog sa Davao City kung saan nagpaabot ito ng pakikiramay sa pamilya ng mga naging biktima ng karahasan.Samantala, sinabi ni Abe na maging sa Japan ay popular si Pangulong Duterte kaya excited itong makilala ang pangulo ng Pilipinas.

Facebook Comments