Cauayan City, Isabela- Nananawagan ang presidente ng isang grupo ng mga magsasaka sa ilalim ng 4P’s sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko na sa gobyerno.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Maria Bautista, presidente ng ‘Umuunlad na Nagkakaisang Magsasaka’, isang grupo ng 4P’s, kanyang sinabi na dapat magbalik loob na sa gobyerno ang mga natitirang rebelde upang mapakinabangan ang mga inilaang programa ng pamahalaan.
Si Ginang Bautista ay isa sa mga nakiisa sa peace covenant signing kahapon sa Brgy. Sindon Bayabo sa City of Ilagan bilang pagpapahayag sa kanilang pagkundena at pagdedeklara ng persona non grata sa mga NPA.
Aniya, maganda ang kinalabasan ng naturang aktibidad na dinaluhan ng mga lokal at City Officials ng Ilagan, mga matataas na opisyal ng AFP, PNP at iba pang ahensya ng gobyerno.
Umaasa naman si Ginang Bautista na sa pamamagitan ng kanilang paglagda sa Peace Covenant ay magiging ligtas at tahimik na ang kanilang lugar.