*Cauayan City, Isabela- *Aabot sa 50 mga lider ng Indigenous People mula sa Ilocos Norte ang kinondena ang iba’t ibang aktibidad ng New People’s Army (NPA) sa katatapos na 1st Indigenous People’s Forum sa ikalawang distrito ng Ilocos Sur.
Pinangunahan ng Peace, Law Enforcement and Development Support (PLEDS) cluster ang nasabing program ana may temang “Unity and Solidarity for Peace and Development of Communities” kaugnay sa insurhensiya ng bansa.
Layunin ng nasabing usapin ay upang mapalakas ang pagkakaisa ng mga IPs at upang mapahusay ang kamalayan kaugnay sa mga ginagawa ng rebeldeng grupo particular na ang paghikayat ng makakaliwang grupo sa mga kabataan at mga krimen na kanilang nagagawa laban sa mga katutubo.
Bilang bahagi ng pagkakaisa sa mga lider ng katutubo sa Probinsya ay naglunsad ng covenant signing ang mga awtoridad upang ipanawagan na ang mga rebeldeng grupo ay kinokonsiderang Persona Non-Grata sa kanilang komunidad.
Hinikayat naman ni Atty. Biligan ang lahat ng lider ng katutubo na suportahan ang kapayapaan na upang wakasan ang insurhensiya sa Probinsya ng Ilocos Sur.
Sinabi naman ni Major General Lenard Agustin, Commanding Officer ng 7th Infantry (Kaugnay) Division na natutuwa siya sa mga lider ng katutubo sa pagsuporta sa kampanya ng pamahalaan at sa pamamagitan nito ay aktibong pagpapanatili sa kapayapaan at seguridad sa Probinsya.
Matatandaang nitong Enero 4, 2020 ng mapatay ng NPA ang lider ng katutubo na si Sammy Diwangan sa Cabanglasan, Bukidnon. Si Diwangan ay isa sa mga daan-daang lider ng katutubo na pinatay ng rebeldeng grupo simula ng malikha ang rebeldeng grupo noong Marso, 29, 1969.