Lider ng Motornapping group sa Gamu, Isabela, Nadakip!

*Gamu, Isabela*- Naaresto na ng mga otoridad ang lider ng motornapping group at Top 3 Most Wanted person sa bayan ng Gamu, Isabela matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas singko kahapon sa Brgy. Guibang, Gamu, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Michael Cabbab, 21 anyos, caretaker ng piggery at residente ng Purok 4 Brgy. Guibang, Gamu, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Rex Lopez, Acting Chief of Police ng PNP Gamu, inaresto si Cabbab sa bisa ng mandamyento de aresto na ipinalabas ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17 Ilagan City, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 6539 o Anti-Carnapping Act of 2002.


Ayon kay PSI Lopez, matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek na umano’y lider ng dalawa nitong kasama na naunang natimbog dahil sa pangangarnap ng mga motorsiklo sa bayan ng Gamu at sa karatig bayan.

Nasa kustodiya na ng PNP Gamu si Michael Cabbab at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang dalawang daang libong piso (P200,000.00).

Samantala, patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang Comelec gun ban at wala pa umanong naitatala na nahuling lumabag sa kanilang ipinapatupad.

arrested.tif <drive.google.com/file/d/1O5BP6UcTD5bF9GoRyxslInfVGajfFYyd/view?usp=drive_web>

Facebook Comments