Paggaya sa 10 year picture challenge, may negatibong epekto ayon sa ilang experto

“Hinay-hinay lang sa pakikiuso”

Ito ang sinabi ng ilang experto matapos mag-trending ang 10 year picture challenge sa social media.

Ang 10 year challenge o how hard did aging hit you challenge ay pag-po-post ng kasalukuyang picture at ikukumpara ito sa larawan mo 10 years ago.


Ayon kay Prof. Jimuel Naval, isang sociologist deligado para sa isang indibidwal ang pag-po-post o pakikiuso sa social media.

Maari kasing matukoy ang lokasyon ng inyong lugar o kaya naman magamit ang inyong mga larawan sa sindikato at iba pang uri ng krimen.

Para naman sa ilang estudyante na nakisali sa challenge katuwaan lamang ito at mabilis lang din maglalaho lilipas o malalaos.

Facebook Comments