Lider ng sindikato, patay sa buy-bust sa Caloocan

Caloocan City – Patay sa buy-bust operation ng mga awtoridad ang isang lider ng sindikato sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Romeo Carlos, 36-anyos, lider ng Eman carnapping, gun running at illegal drugs criminal group.

Ayon sa Northern Police District (NPD), notoryus din na drug pusher si Carlos sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (Camanava) area.


Tinangkang bumili ng mga pulis ng hindi lisensyadong baril sa suspek.

Pero natunugan nitong pulis ang kanyang mga katransaksyon kaya nauwi sa engkwentro ang operasyon na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Nakuha mula sa suspek ang isang pirasong kalibre .39 ng baril na walang serial number, mga bala at basyo ng bala.

Maliban rito, narekober din sa suspek ang limang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P15,000.

Facebook Comments