Liderato ng kamara, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na ikokonsidera ng Senado ang economic Cha-Cha

Nananatiling positibo si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ikokonsidera ng Senado ang kabutihang ibubunga ng pag-amyenda sa mga economic provisions ng 1987 Constitution.

Pahayag ito ni Romualdez makaraang maihalal si Senator Francis Chiz Escudero bilang bagong pangulo ng Senado.

Ayon kay Romualdez, ipinauubaya na niya kay Escudero ang kapalaran ng panukalang economic Charter Change na pasado na sa Kamara pero nakabinbin pa rin sa Senado.


Diin ni Romualdez, siguradong makabubuti sa taongbayan ang magiging resulta ng economic Cha-Cha.

“Well the economic amendments to the constitution…We will leave that up to our friends in the Senate, dun pa naka-pending. Sa akin naman basta kung anong makakabuti sa taong-bayan, we feel that economic reforms and amendments can do that, I’m sure that the Senate will consider it” – House Speaker Martin Romualdez.

Facebook Comments