Kakausapin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Pangulong Bongbong Marcos bukas ng umaga upang iparating ang hinaing ng mga driver at operator na tumututol sa Public Utility Vehicle o PUV Modernization Program.
Bukod dito ay pakiki-usapan din Romualdez ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawigin pa ang deadline ng prangkisa ng jeepney operators sa ilalim ng PUV Modernization Program.
Sinabi ito ni Romualdez sa kanyang pagharap sa mga leader at miyembro ng transport groups na Manibela at PISTON na nagsagawa ng kilos-protesta sa labas ng Batasan Complex.
Dagdag pa ni Romualdez, pag-aaralan din ang pagbibigay ng mga ayuda sa mga apektadong drivers tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situations at TUPAD program.