𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗜𝗟𝗬 𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗝𝗢𝗕 𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗞𝗜𝗡𝗨𝗠𝗣𝗜𝗥𝗠𝗔

Kinumpirma sa IFM Dagupan ni 4th District Board Member Jerry Agerico Rosario na may SP resolution ang Sangguniang Panlalawigan kaugnay sa pagkakaroon ng bagong daily wage rate ng mga baguhang empleyado ng pamahalaang panlalawigan.

Ito ay sa pamamagitan ng Ordinance Prescribing the Daily Wage Rate of Newly-Hired Job Orders and Individual Contract of Service Workers in the Provincial Government of Pangasinan.

Aniya, mga bagong papasok na mga job order lamang ang mabebenipisyuhan ng nasabing ordinansa at hindi apektado rito ang mga dati nang empleyado ng pamahalaan.

Sa bagong ordinansa, sasahod ang mga bagong job order ng ₱590.91 Habang nag mga skilled workers naman ay ssahod ng ₱800.62 at ang mga professional naman ay ₱850.15.

Makakatulong ito aniya upang makapag hire ng mas madami lang mga job order ang pamahalaang panlalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments