Liderato ng Kamara, iginiit na dapat may managot sa pagkasunog ng MV Lady Mary Joy 3

Pinatitiyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na may mananagot sa pagkasunog ng MV Lady Mary Joy 3 sa karagatang sakop ng Baluk-baluk Island sa Basilan kung saan 31 katao ang nasawi habang dalawa pa ang nawawala.

Bunsod nito ay pinapakilos ni Speaker Romualdez ang Maritime Industry Authority o MARINA at Philippine Coast Guard o PCG para alamin ang tunay na sanhi ng pagkasunog ng MV Lady Mary Joy 3.

Diin ni Romualdez, dapat ay natuto na ang MARINA at PCG mula sa nakaraang mga trahedya sa karagatan lalo na kung ang dahilan ay overloading ng mga sasakyang pandagat.


Punto pa ni Romualdez, hindi sana nangyari ang aksidente kung ginawa ng mga kinauukulan ang kanilang trabaho.

Binanggit din ni Romualdez ang record ng PCG na 205 ang sakay ng MV Mary Joy 3 na hindi tugma sa 195 na bilang ng na mga nakaligtas dagdag pa ang bilang ng mga nasawi.

Facebook Comments