Kamara, tiniyak na mapopondohan ang modernisasyon ng AFP

Bilang Chairman ng House Committee on Appropriations ay tiniyak ni AKO-BICOL Partylist Rep. Zaldy Co na mapopondohan ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines o AFP.

Sinabi ito ni Co, kasunod ng pagtiyak ni House Speaker Martin Romualdez na buo ang suporta ng Kamara sa AFP modernization na pangunahing makakatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng bansa.

Ayon kay Co, siya ay kaisa sa pagsusulong ni Speaker Romualdez na mabigyan ng modernong kagamitan at pagsasanay ang AFP upang magtagumpay ito sa pagtugon sa hamon o mga bantang kinakaharap na ating bansa.


Diin ni Co, mahalagang mapaglalaanan ng sapat na pondo ang pangangailangan ng ating mga sundalo na may napakahalagang papel sa pagtiyak ng ating kaligtasan at pagtatanggol sa ating soberanya.

Facebook Comments