Liderato ng Kamara, nangakong pag-iibayuhin pa ang kanilang trabaho

Nangako ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipagpapatuloy ang magandang nasimulang trabaho kasunod ng mataas na Pulse Asia Survey rating kay House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, lalo pa silang magtatrabaho nang husto sa Kamara upang maihatid ang mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Ipinagmalaki rin nito na ang kanilang lider ay nakakuha ng exemplery trust at approval rating dahil na rin sa maayos na pamamahala nito sa Kamara.


Sinabi naman ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu na nagpapakita lamang ang survey ng pagkilala ng publiko sa ginagawa ng liderato sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano.

Tulad aniya ng Pangulo, ang primary focus ng Kamara ay mapaglingkuran at mabigyan ng mas maayos na pamumuhay ang mamamayan.

Para naman kay Deputy Speaker at 1Pacman Rep. Mikee Romero dahil sa pamumuno ni Cayetano walang dahilan upang pagdudahan ang trabaho ng Kamara.

Facebook Comments