PANOORIN: Aso, inaliw ang kuting na first time maligo

2673
Facebook/Stephanie Vice

Hindi lamang sa sariling mga tuta, maging sa mga kuting ay lumalabas ang pagiging nanay ng isang aso sa Florida na viral ngayon sa social media.

Sa isang Facebook post, ipinagmalaki ng veterinary technician na si Stephanie Vice ang burly bloodhound niyang si Ruby Jane na nakuhanang nilalambing ang kuting sa unang pagkakataon na maliligo ito.


Kuwento ni Vice, sadyang malambing ang alaga sa lahat ng kuting na sinagip at inaalagan nila sa kanilang bahay.

Ngunit sa higit isang daan na kuting na naipakilala kay Ruby Jane, naging paborito at tila espesyal ang turing nito sa 5-linggong gulang na si Bodie, ang kuting na nasa video.

“Is that your baby, Jane? Is that your baby you are trying to pet? Say, ‘It’s OK.’ Say, ‘It’s OK little cat — it’s just a bath,’” maririnig sa video na sinasabi ni Vice sa alaga na hinihimas himas sa ulo ang kuting.

Sinabi ni mag-asawang Vice sa Cater News na napagdesisyunan nilang alagaan muna hanggang sa puwede nang ipaampon si Bodie at dalawa pa nitong kapatid na nanggaling sa SPCA no-kill shelter.

Iniupload ng vet tech nitong Huwebes ang video na umabot na sa 9.7 million views.

Facebook Comments

From Advertisers