Pinabubuo ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pamahalaan ng mga programa para sa paghasa ng kakayahan at kaalaman ng OFWs.
Ito ang nakikitang solusyon ng Speaker para matulungan ang overseas workers na nawalan ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya.
Naniniwala si Cayetano na makakatulong ang mga nakuhang kaalaman at kasanayan sa teknolohiya, mga pagsasanay at disiplina ng OFWs mula sa ibang bansa para magamit sa pagbuhay muli ng ekonomiya.
Dahil dito, pinababalangkas ni Cayetano ang pamahalaan ng mga plano para sa paglalatag ng support programs para sa OFWs.
Naniniwala ang kongresista na ang OFWs ang bubuo sa “first wave” ng pag-unlad sa mga probinsya kung mayroong matatag na suporta at mabibigyan ng oportunidad ng pamahalaan.
Ang apela na ito ay kasabay rin ng paghihikayat ng Speaker na gawing “new centers of development” ang mga probinsya.