Ipinatawag ni house Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga opisyal ng Bureau of Plant and industry (BPI) para magpaliwanag sa kanya at sa ibang opisyal ng kamara kung bakit nagagawa na namang i-manipula ng mga hoarders ang presyo ng sibuyas.
Ang hakbang ni Romualdez, ay kasunod ng monitoring ng House Committee on Agriculture and Food, na ang presyo ng sibuyas sa merkado ay nagsisimula na namang tumaas mula sa P90 hanggang P180 kada kilo.
Sa impormasyon ni Romualdez ay nagsisimula na namang maging aktibo ang mga hoarders at price manipulators ng sibuyas.
May natanggap ding report si Romualdez na naibenta na ng mga magsasaka ang kanilang ani kaya nasa cold storage na ang mga ito at pinipigil lang ang pagpapalabas sa merkado para imanipula ang presyo.
Bunsod nito ay naglabas ng direktiba si Speaker Romualdez upang buhaying muli ang kampanya na pababain ang presyo ng sibuyas sa merkado.
Diin ni romualdez, hindi dapat hayaang mamayagpag muli ang mga ito para muling pataasin ang presyo ng sibuyas sa halagang hindi abot-kaya ng ordinaryong Pilipino.