Liderato ng Kamara, pinamamadali na ang Senado sa pagpapatibay ng panukalang Department Of Disaster Resilience (DDR)

Pinamamadali nila Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez sa Senado ang pagpapatibay sa panukala para sa paglikha ng Department of Disaster Resilience (DDR).

Mababatid na nito lamang Martes ay naaprubahan na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para sa pagbuo ng DDR na siyang magsisilbing national agency sa disaster preparedness, rehabilitation, rescue, response, recovery at reconstruction tuwing may kalamidad.

Giit ni Cayetano na isa sa mga pangunahing may-akda ng panukala, ang pag-apruba sa panukala ay napakahalaga para sa pagtugon ng bansa sa natural disasters tulad ng pagbaha, bagyo at lindol kahit pa sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Nasa kamay na ng Senado para pagtibayin na ang landmark measure na maghahanda sa bansa na harapin ang mga kalamidad.

Umaasa naman si Romualdez na makikiisa ang Senado sa Kamara para sa tuluyang pagsasabatas ng panukala na itinuturing na mahalaga sa kapakanan at kaligtasan ng mga Pilipino.

Tiwala ang kongresista na ngayong taon din ay aaprubahan na ng Senado ang panukalang DDR.

Facebook Comments