Liderato ng Kamara, tiniyak na dadaan sa tamang proseso ang inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte

5

Manila, Philippines – Sinigurado ni House Speaker Pantaleon Alvarez na dadaan sa proseso ang inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ayon kay Alvarez, titingnan nila kung sufficient in form at sufficient in substance ang reklamo saka ito dadalhin sa plenaryo.

 

Sabi pa ni Alvarez, ok lang na ngayong recess inihain ang impeachment complaint dahil tiyak na makakapag-muni muni o makakapag-isip pa ang mga mambabatas.

 

Kasabay nito ay tahasang pinagbintangan ni Alvarez si Vice President Leni Robredo na nagmamadaling palitan si Pangulong Duterte dahilan kaya may impeachment complaint na inihain laban dito.

 

Aniya, masyadong maraming problema ang bansa kaya hinikayat nito ang taumbayan na magkaisa at tulungan ang Pangulo sa mga problema.

Facebook Comments