Buo ang pag-asa ni House Speaker Martin Romualdez sa pagbuti ng kalidad at pagbilis ng internet sa bansa sa susunod na taon.
Ayon kay Romualdez, ito ay dahil sa P1.5 billion na nakapaloob sa proposed 2023 national budget para sa implementasyon ng National Broadband Plan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Paliwanag ni Romualdez, ang naturang salapi ay bahagi ng P77 billion na institutional amendments na ginawa ng Mababang Kapulungan para sa edukasyon, kalusugan, transportasyon at iba pang importanteng social services.
Diin ni Romualdez, napakahalaga ng internet sa paghahatid ng serbisyo sa publiko at sa araw-araw nating pamumuhay lalo na at ginagamit natin ito sa edukasyon, sa negosyo, sa paghahatid ng mga produkto, at para maka-avail ng mga social services.
Binanggit naman ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, Chairman of the House Committee on Appropriations at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na may kasunduang nilagdaan ang DICT, Facebook at Bases Conversion and Development Authority.
Sabi ni Co, inaasahan na ang pondo sa 2023 budget ay makakatulong sa pagpapatayo ng mga pasilidad na angkop para sa 2 million megabits per second na internet na ipinangakong ipagkakaloob ng Facebook sa ating pamahalaan.