POLO sa Hong Kong, magbubukas sa Bonifacio Day

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na bukas ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) bukas, Bonifacio Day.

Ayon sa konsulada, layon nito na makapagbigay ng karagdagang serbisyo sa Overseas Filipino Workers (OFWs) para sa pag-proseso ng Overseas Employment Contract (OEC).

Ang POLO sa Hong Kong ay nagbubukas tuwing Biyernes at ang mga appointment slot ay magpapatuloy hanggang alas-6:00 ng gabi kada araw bilang serbisyo sa OFWs nauuwi ng Pilipinas.


Pinapayuhan ng konsulada ang mga OFW doon na kumuha muna ng appointment slot bago pumila sa POLO office.

Facebook Comments