Liderato ng Kamara, umaasang mabubuksan na rin ang iba pang OFW lounge sa NAIA

PHOTO: Ninoy Aquino International Airport

Umaasa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na mabubuksan na sa lalong madaling panahon ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) lounge sa Terminal 3 at 2 ng Ninoy Aquino International Airpot (NAIA) gayundin sa iba pang paliparan sa bansa tulad sa Cebu at Davao.

Sinabi ito ni Romualdez, kasunod ng matagumpay na pagbubukas ng OFW Lounge sa NAIA Terminal 1 ilang buwan na ang nagdaan.

Ayon kay Romualdez, ang pagkakaroon ng OFW Lounge sa paliparan ay umaayon din sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Ito ay upang magkaroon ng pagkakataon na magkapag-relax ang mga OFWs bago ang kanilang mahabang biyahe pabalik sa kanilang trabaho sa ibayong-dagat.

Diin pa ni Romualdez, ito ay bahagi lang ng pasasalamat ng administrasyon sa mga OFWs na may malaking naitutulong sa ating ekonomiya.

Facebook Comments