Liderato ng Kamara, umapela ng suporta sa mga atletang Pilipino

Hiniling ni House Majority Leader Martin Romualdez sa publiko ang tuluy-tuloy na pagbibigay suporta sa mga atletang Pilipino.

Apela ni Romuadez na palaging isaalang-alang ang kapakanan ng mga Pinoy athlete’s para sa kanilang ikatatagumpay sa 30th SEA Games.

Mahalaga aniya ang suporta mula sa mga kapwa Pilipino para tuluyang makuha ng bansa ang kampeonato.


Pinuri din ni Romualdez ang world-class presentation sa opening ceremony nitong Sabado kung saan ibinida ang kultura at lahing Pilipino.

Bukod dito, ikinatuwa din ng kongresista na muling ipinagmalaki ang ating mga Filipino sports legends na sina Lydia de Vega, Eric Buhain, Bong Coo, Alvin Patrimonio, Onyok Velasco, Paeng Nepomuceno, Akiko Thomson at Efren “Bata” Reyes.

Samantala, nauna namang kinilala ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga atleta sa opening ng SEA Games na patuloy na nagdadala ng pride, glory at honor sa bansa.

Facebook Comments