Liderato ng Pambansang Pulisya, pinapurihan ang mapayapang National Rally for Peace ng INC

Ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) ang naging maayos at mapayapang National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo noong Lunes.

Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, patunay lamang ito ng magandang ugnayan ng kapulisan at ng mga INC member.

Pinasalamatan din ni Marbil ang mga pulis at force multiplier na nasa mga lugar na pinagdausan ng rally dahil sa kanilang job well done.


Sa datos ng Manila Public Information Office, nasa 1.58 million INC members ang dumalo sa nasabing rally.

Sa panig naman ng pulisya, halos 8,000 ang kanilang idineploy sa buong bansa kung saan sa nasabing bilang, 5,500 PNP personnel ang ipinakalat sa Quirino Grandstand na pinakasentro ng INC rally.

Facebook Comments