Suportado ng bagong talagang Philippine National Police (PNP) Chief ang panukalang rightsizing.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., hindi naman nangangahulugang magbabawas sila ng tao o kawani sa Pambansang Pulisya pero sa ilalim ng kanyang administrasyon ay kanilang tutukuyin kung ilan talagang personnel ang kailangan sa bawat opisina.
Sa pamamagitan aniya nito ay mas magiging epektibo ang bawat kawani dahil tantyado o sapat lamang ang bilang ng tauhan sa bawat opisina o dibisyon.
Sinabi pa nito na mas mag-iinvest din ang PNP sa teknolohiya upang makasabay sa makabagong panahon.
Ang rightsizing ang isa sa mga priority measures ni PBBM.
Kasunod nito, muling tinukoy ng bagong PNP Chief ang kanyang marching order sa mga kawani ng Pambansang Pulisya.
Kabilang dito ang pagpapaigting ng crime prevention at maipagpatuloy ang gyera kontra ilegal na droga.