High value individual, arestado sa drug operation sa Davao City

55

Nasakote ang isang regional level high-value individual matapos ang ikinasang drug buybust operation sa Davao City.

Kinilala ni Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Brig. General Roderick Augustus Alba ang suspek na si Wendell Subaan.

Nakumpiska mula kay Subaan ang ₱60,000 halaga ng shabu at isang Kalibre 38 revolver na walang serial number na may 5 live ammunition.


Naiturn over na ang suspek sa mga otoridad at kasalukuyang inihahanda ang patong patong na kaso laban dito.

Facebook Comments