Liderato ng Senado, hindi makikialam sa girian ng Pangulo at ni Senator Trillanes

Manila, Philippines – Walang plano si Senate President Koko Pimentel na gumawa ng anumang hakbang kaugnay sa girian sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Antonio Trillanes IV.

Paliwanag ni Pimentel, wala namang magagawa ang senado sa sigalot sa pagitan ng Pangulo at ni Senator Trillanes.

Ayon kay Pimentel, may kanya kanyang estratehiya sina Pangulong Duterte at Trillanes kaya mas mainam na pabayaan na lang sila.


Ay pahayag ay ginawa ni Pimentel matapos aminin ni Pangulong Duterte na inimbento niya lang ang bank account ni Trillanes sa isang bangko sa Singapore.

Wala ring idea si Senator Pimentel kung ang nabanggit na pag-amin ay makakaapekto sa Pangulo.

Para kay Pimentel, makabubuting hintayin na lang kung ano ang game plan ni Pangulong Duterte kaugnay sa pagsisiwalat nito ng umano’y mga bank accounts ni Senator Trillanes sa abroad at pag-amin na ang account number nito ay gawa-gawa lang niya.

Facebook Comments