9 na NPA, patay sa sagupaan sa Nueva Ecija

Carranglan, Nueva Ecija – Patay ang siyam na miyembro ng New People’s Army habang sugatan ang isang sundalo matapos na magkasagupa ang militar at rebelde sa Barangay Burgos, Carranglan, Nueva Ecija kaninang umaga.

Ayon kay Northern Luzon Command Spokesperson Lt. Col. Isagani Nato, alas-7:20 ng umaga kanina rumesponde ang mga sundalo sa lugar matapos ang impormasyong ibinigay ng mga residente na may presensya ng armadong grupo pero pagdating sa lugar ay pinagbabaril na sila ng mga rebelde.

Nagtagal aniya ang sagupaan ng mahigit dalawang oras.


Narekober ng militar sa lugar ang bangkay ng siyam na napatay na NPA members.

Siyam na matataas na kalibre ng armas naman ang narekober ng militar sa pinangyarihan ng sagupaan kabilang na isang m203rd grenade.

Sa ngayon nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng military laban sa mga nakasagupang NPA.

Facebook Comments